evol no
Train Marry Me Save Me, San Francisco |
Ayoko nagsusulat ng mga ganitong kwento. Parang tuwing nagsusulat kasi ako tungkol sa pag-ibig, parati nalang malungkot yung ending. Pero kahit ganito, pinipilit ko paring magsulat ngayon. Hindi kasi ako makatulog. Iniisip ko yung mga sinabi mo. Parang gusto kong suklian, kahit papano.
Sa totoo lang, madami nang nagsulat tungkol sa akin. Minsan, parang ang bait ko sa mga kwento nila. Minsan naman para akong may sademonyo. Pero ni minsan, walang nakakuha kung sino talaga ako, kung ano talaga ako. Mahilig kasi ako mag-kunyari, mahilig sa palabas. Nung binasa ko yung sinulat mo, kinilabutan ako. Para kasing for the first time, may naka-gets sa akin.
Kaso nga, takot ako mag-sulat ng mga love story. Pwede bang iba muna itawag natin sa kaniya? Baka yung salita lang yung malas. Pwede ko kayang isulat yung nararamdaman ko na hindi ko ginagamit yung salitang love?
---
Tuwang-tuwa ako kapag kasama kita. Natatakot ako kapag kailangan na kitang iwanan. Tuwing pumapasok ako sa opisina at hinahatid mo ako sa sakayan, parang gusto ko maging bata ulit. Magmamakaawa ako kay mama na sa bahay lang muna ako kasi ayoko pumasok. Gusto ko kasama lang kita parati. Gusto ko manigarilyo lang tayo ng manigarilyo sa sahig nung sala mong wala pang laman. Yosi ng yosi hanggang sa sumakit ang mga baga natin. ‘Yun lang kasi ang alam nating paraan para mapantayan ang walang tigil na kabog sa ating mga dibdib.
Gustong gusto ko yung mga kamay mo. Ang sarap nilang hawakan. Parang nakakalimutan ko lahat ng problema ko pag-hawak ko na sila. Tuwing natutulog ako sa inyo, ito yung una kong hinahanap pag-gising ko. Pag sa amin naman ako natutulog, alam mo bang nagiiwan ako ng puwang sa kama ko para sayo? Pilit kong pinagsisiksikan sarili ko sa isang sulok ng kama ko para kunyari andun ka.
Sa totoo lang, minsan naiinis ako sayo. Naiinis ako na kailangan kita. Kasi buong buhay ko, hindi ko kinailangan ang sino man. Naaalala mo nung nagkasakit ako tapos pumunta ako sa inyo? Kumuha ka ng bimpo at tubig tapos pinunasan mo yung katawan ko. Naglaban pa nga ako diba? Sabi ko wala talaga akong sakit. Pero makulit ka talaga eh. Di ka tumigil hanggang sa nalibot na ng bimpo mo yung buong katawan ko.
Sa totoo lang, takot na takot ako nun. Mahina kasi ako. Nagtatapang-tapangan lang naman ako pero malambot talaga ako sa loob. Natakot akong makita mo yun. Natakot ako kasi na-realize kong gusto kitang kasama parati. Kailangan na pala kita.
Pag-nakikinig ako ng radyo, pinipikit ko mata ko at ini-imagine ko na kinakantahan kita. Oo na, di ako marunong kumanta pero imagination ko naman ‘to, diba? Wag kang makialam. Naalala mo nung nasa taxi tayo tapos hinawakan ko ng mahigpit yung kamay mo? Bigla kasing tumugtog yung kantang ‘to. Sabi mo, gusto mo yung mga kantang ganiyan yung gitara. Sabi ko, katunog niya yung Dust in the Wind. Ang gusto ko talagang sabihin ay pakinggan mo yung kanta. Hindi man swak yung lyrics at medyo may kapareho man yung tugtog, mukha mo lang naiisip ko tuwing naririnig ko ‘to. Wag ka mag-alala, mag-aaral ako mag-gitara. Gusto ko kasi kantahin yung part na ‘to sayo balang araw.
Mangako ka na kailanma’y hindi ka magiging malungkot sa tabi ko.
Nangangako ako na kakantahan kita kahit iwanan tayo ng tugtog.
Nangangako ako na kakantahan kita kahit iwanan tayo ng tugtog.
Hindi man tayo parating magkasama, sana alam mong wala akong ibang gustong makatabi. Hindi man tayo pwedeng magpakasal, sana alam mong wala akong ibang gustong makasama habangbuhay.
first Mugen, and now you. You're all radiating this infectious happiness that's making me smile. :)
ReplyDelete@Spiral: Pahabol lang on the last day of February, I guess. It's been a slow month for me. :) Thanks for dropping by!
ReplyDeletehay
ReplyDeleteLove
@Luis: Nakalabaliw no? Sino ba kasi nagpauso niyan?
ReplyDeleteHaiz...hehehe. Tamang habol nga ito sa Feb.
ReplyDeleteAnd first time reading you in Filipino. Nice nice!
@Pepe: Blame it on my uncontrollable urge to conform and not conform. Haha ang gulo ba? Salamat!
ReplyDeleteAng lambot! ang sweet sweet! hahaha!!!
ReplyDelete@Gervs: Ang ganda.. ang dulas.. Ang soft! Mother Ricky? lol
ReplyDeleteayeee!
ReplyDeletealam mo namang fan ako sa pagniniig nyo diba? :)
more power senio my friends. nakakainggit na nakakataba ng puso ang mga kwento nyo! :)
haliparot ka.
ReplyDeleteAHAHAHAHAHAHAHAHA
@Clyde: Ang sweet naman ni Claudiopoi o. Salamat!
ReplyDelete@EW: Compared to you, siyempre. Mayumi, dalisay at busilak ka diba? (tama ba yung order)
*faints*
ReplyDeletepwede kayong magpakasal, commitment is a state of mind kasi. and the law will one day catch up.
Awww.. Love this post. Simple but true. Yah, baka nga malas if we term our bouts with love as "love stories". Puede naman kasi ngang iba ;) You're sooo right. The word love is so overrated. I seriously think it's losing its meaning because I don't often see or feel it anymore from people who are supposed to love other people. It's all in the intention, I guess, and I love that even if you never said it here, it was truly felt :) To LOVE!
ReplyDelete@LOF: Let's hope it catches up sooner. You know me. I'm afraid to break any rules. Just ask my high school librarian.
ReplyDelete@Tricia: Thanks Trish. I think people wear it out too often kasi eh. Kailangan pa-unique na ng pa-unique. :)
bakit di kayo pwedeng magpakasal? naiintriga ako. :)
ReplyDelete@Ester: Bawal eh. Sa ibang bansa pa if ever.
ReplyDeletesino may sabing hindi kayo pwede ikasal? punta kayo canada. flower girl ako ha :))
ReplyDelete@Nox: eow pohz. jeje welcome to my blog! sige, flower girl ka ha. haha pwede bang mag-ring bearer ka na rin para isahan nalang ang pamasahe? ;p
ReplyDeletenaman. pati ninang, candle, veil, at cord go lang. hehe :))
ReplyDelete@Nox: Ang generous mo naman pala. Sige ha. Aasahan ko yan.
ReplyDeleteDumalaw din pala ako sa tahanan mo. Sa kasawiang palad, may pagka-diktador ang IT sa amin at hindi ko siya mafollow. Wag ka magalala. I shall return..
nyaa~!! ang galing~!! :D
ReplyDelete[nakatagalog tlaga,ha?]
nyum..i was thinking magsulat ng something para sa song na 'to pero naunahan mo na ako teh.. :D
love it~!! super love~!!
-key-
yung title, now ko lang na-gets. no love
ReplyDeleteawwwwww... *gooey-eyed*
-key-
nakakatuwa. at in Tagalog pa talaga. like. like. like.
ReplyDeletewait anong kanta uli yan? it's in english right? yung video na may diner girl ek ek? :)
ReplyDeleteit's refreshing to see your entry in filipino ^_^
@Key: It's a nice song, no? And baliktad siya. On love. haha
ReplyDelete@Rei: Salamat! Salamat! Salamat! :)
@Carlo: Haven't seen the video yet but it's gotten a lot of radio airplay. Salamat sa pag-daan, Ginoong Taylor!
I just loved this post....oh...hold on.... I didn't recognize one word. Um. Tumawa nang malakas!
ReplyDeleteRick
(Hope that Google translator didn't just give me some swear words...)
just to clarify, i was fainting because of the feeling of the post not because of your view of the law. =P
ReplyDelete@Rick: I was afraid this post would alienate you and some other readers. Don't worry. The next one (me thinks) is in English.
ReplyDeleteAnd I'm guessing you lol'd Google Translate? That's so cute!
@LOF: Of course. Looks like I'm not the only one afraid to offend. hihi
aie~!! haha. my bad. on love pala.
ReplyDeletepost uli, post uli~!!! haha. i-pressure ba??
take your time nyl....pero post ka ulit. please?
haha
-key-
@Key: Yes, boss. Kaso nangako ako sa sarili ko na kailangan ko muna tapusin yung bloghop duties ko before I publish anything new. Oo, ako na. Ako na talaga ang weirdo.
ReplyDeleteKilala mo kung sino ako. Mahal kita lagpas sa mga salita, kahit na madalas, ito lamang ang meron ako.
ReplyDeletePunta ka na dito. Bilis! :)
@A: An hour and a half left and I'm outta here!
ReplyDeleteLOL @ ginoong taylor :)
ReplyDeletebtw i'm currently working on my blog. it's gonna be taglish... kung saan ako mas kumportable. it's not gonna be deep or anything. i'll just post what i love doing for everyone to see :)
and yeah you can watch the video here: http://www.youtube.com/watch?v=ghZt2cILcCU
it's marry me by train, right? :)
and who's anonymous? tama ba ang naiisip ko? :)
@Carlo: And we'll totally pimp it out when it's ready.
ReplyDeleteSige, Puntahan ko yan pagdating ko sa bahay. I've had the song on loop since last night.
At oo. hihi
major major =P
ReplyDeleteI completely get where this post is coming from. We're in the same boat, yes?
ReplyDelete@Venus Raj: The reference is deeee-licious!
ReplyDelete@Manech: I guess you could say that. ;p
it's not just the language, but you do sound different in this post. even the pacing of your prose is different. is it because summer is upon us?
ReplyDeletewahehehe i somehow can relate to your agony... aray ko po...
ReplyDeleteawww, citybuoy. ang sweet!!! lalo na yung pinagsisiksikan mo sarili mo para may space para sa kanya kahit wala siya. hinimatay ako dun sa kilig.
ReplyDeletebigla akong nainggit. Inggitero talaga ako. hehehe...
ReplyDeletelove love love
Posts like this keep the idea of love and romance alive. Esp sa mga tulad kong paminsan minsan, nakakalimot. Lolz. This is just refreshing, I can almost hear Lola Celine Dion scream at me saying "Love comes to those who believe it..." =)
ReplyDelete@John Chen: I guess I'm just not comfortable in Filipino? It could also be the nature of this post. Some parts were originally in English, some were really written in Filipino. But I like the summer idea. :)
ReplyDelete@Kiko: Masakit pero worth it naman, diba? :)
@Sean: I guess I'm just monggie that way. ;p
@DH: Di naman. Sakto lang.
@Vince: Aba dapat lang no. We should never forget. Ako pa naman, guilty-ng guilty ako diyan. haha
At kung si Lola Celine yan, dapat love comesh choo thoshe who buhleeeeev ech.. ;))
Uu nga. Ang weird mo! Me likey~!! hahaha
ReplyDeletego for gold~!!
-key-
at ang tagalog post na ito ay dahil lang sa KUHOL?
ReplyDeleteKUHOL na hindi maka get over si Victor?
dahil sa unang bahagi ng post na ito, dapat ang soundtrack ay BALAT KAYO PALA....
shit ka! yun lang... i love you both!
and the title is really witty.... :))
ReplyDeleteTotnakan na yan!!!
ReplyDelete@Key: Salamat!
ReplyDelete@Chance: Ano yung Balat Kayo Pala? Ma-google nga. lol
Naaliw kasi ako dun sa kuhol. Parang sayang naman kung di ko sagutin, daba?
@Glentot: What's that? I don't get it. ;)
i am smiling now, nyl.
ReplyDelete:)
@geek: Awww Geek. Naka-relate ka ba? ;p
ReplyDeleteg.u.i.l.t.y.
ReplyDelete@Geek: Ayus lang yan. Di lang naman gasul ang may karapatan mag-mahal diba?
ReplyDeletehuwaw! wala akong ibang masabi. basta, masaya ako para sa inyo. yun lang.
ReplyDeleteat alam mo na rin kung gaano kita kagustong binabasa sa pilipino. huwaw uli! :)
nakakatuwang isipin na dahil sa kapangyarihan ng inyong nararamdaman sa isa't isa ay nagawa mong isulat ang isang napakagandang salaysay kahit na ito'y sa wikang di mo nakasanayan.
ReplyDeletenakakatuwang isipin na dahil sa kapangyarihan ng inyong nararamdaman sa isa't isa ay narinig ko sa unang pagakakataon ang tinig ng iyong minamahal.
nakakatuwang isipin na dahil sa kapangyarihan ng inyong nararamdaman sa isa't isa ay dumating ang araw na mababasa ko mula sa iyo ito "di lang naman gasul ang may karapatang magmahal"
nakakatuwa. =)
@Aris: Sobrang hindi ko talaga strength to kaya natutuwa ako sa sinabi mo. :) Salamat, Aris!
ReplyDelete@Mark: At ako naman ay natutuwang natuwa ka. Salamat, Mark! Oh, and I can't really take credit for the gasul thing. I just got it off someone haha
:-(
ReplyDeleteHoney, you're so... what's the word... intense? It's like you want these words to capture each and every single emotion: tension / fear / joy / wonder / that you feel right now.
ReplyDeleteDesperate to communicate, to put into words something perhaps you haven't felt before. To make us understand that this .... this is love.
Kane
@E. Wong: Welcome to my blog! Sorry it made you sad. :(
ReplyDelete@Kane: I know this isn't my best work. I can see the seams where the parts written in English end and begin. But I'd like to think my inability to express myself in Filipino comes in handy at times like these. haha
awww tagalog... mas madali i-skim, gets kagad. love it :)
ReplyDelete@Kristan: Thanks for dropping by!
ReplyDeletesabi na nga ba. hehe ^_^ uuuuyyy!!! hehe
ReplyDeleteUuuy, mushy mode, hehe.
ReplyDelete@Carlo: I saw the video na. Kilig!
ReplyDelete@Andy: Humor me. lol
nakatutuwa ka naman...mahusay ka na sa salitang banyaga, subalit mas mahusay ka sa wikang Filipino.
ReplyDeletetulad nga ng sabi ni idol kane, you're so intense.
maligaya ako para sa iyo, idol
Wow, that must have been a struggle? Anyway, according to what the book says : Love wins, and Love will always wins.
ReplyDeletemy heart suddenly wanted to burst... yeeha! :)
ReplyDeleteawww.. citybouy is in love. :)
ReplyDeletei like how you are so charmingly vulnerable here. :)
I don't know what to say. You. You have turned into one of those people who suck the happiness out of the air. I thought we're friends. :p
ReplyDeleteBa't parang unti na lang post mo ngayon? Uuuy, busy sa love life. Heheh
ReplyDelete@My Journey: Welcome to my blog! At ang sweet naman ng comment mo. Salamat!
ReplyDelete@Tim: That's a great comfort. I guess in the past when it didn't work out, it wasn't really love, no?
@Kaloy: Burst away! Yeeha!
@Lonewulf: I know. Parang ang hirap tuloy sundan. Ayoko muna mag-sulat.
@Victor: Oh honey, we are. But you know I've paid my dues right? :p
@Andy B: I'm actually updating my template din. Pero yeah, busy with life in general. :)
im a spammer
ReplyDeleteI can feel the E V O L!!!
ReplyDelete@Michael: Thanks, sir! And welcome to my blog!
ReplyDeleteno
ReplyDelete@LOF: What a difference half a year makes.
ReplyDelete