on conversations at 2am



"O eto, maganda. Anong mas gugustuhin mo? Yung mahal ka niya or yung mahal mo siya?"

"Siyempre yung mahal ako. Vain ako, bakit ba?"

"Ako, mas bet ko yung ako yung nagmamahal. Okay na yun. Di naman to pamasahe na dapat sinusuklian."

"Naku becks! Mahirap yan. Mahal na ang pasustento ngayon no. Rubber shoes, autoload, pati college scholarship, kasama na dapat! Tapos malalaman mo, di naman pala siya seryoso. Parang siopao love yan. Akala mo special, ayun pala bola-bola lang."

"Ha ha! Tapos ikaw naman tong asa-dong asado."

"Kurek! Eh eto. Ano ang mas masakit: yung maghiwalay kayo na in love na in love pa kayo or yung marerealize niyong unti-unti na palang nawala?"

"Naku, mahirap din yan."

"Wala ka namang ibang alam kundi mahirap yan! Ambag ambag din naman tayo, teh."

"Eh sa mahirap nga talaga. Ikaw kaya mauna."

"K fine. Ako siguro, yung in love pa kayo. Kasi malamang sa malalang may dahilan naman kaya kayo maghihiwalay diba?"

"Eh… minsan kasi yung mga gumaganyan, parang trip lang nila gumawa ng gulo eh. Kulang lang ng conflict sa life ba kaya ayun."

"Huy hindi a! Malay mo di lang talaga tama yung panahon."

"May bagyo?"

"…or yung love niyo naman talaga ang isa't isa pero parang may mali lang talaga."

"Ay trut. Alam ko yan. Sige na nga. Ikaw na tama."

"Suko agad? Agad agad?"

"Yezterday."

"Magaling magaling. Eh ikaw ba? Ano ang mas masakit para sayo?"

"Siguro yung… ma-cesarean sa likod. Ikaw kaya, padaanin ko yung sanggol dun. Tignan natin kung di ka magsisisigaw."

"Ha ha! Baliw! Yung totoo."

"Teka… siguro yung pangalawa. Yung unti-unti kayong nag-fall out of love. Parang kanser kasi yan eh. Dahan-dahan kang itetegi. Masakit yun."

"Nagka-kanser ka na noon?"

"Tanga!"

"Eh ano?"

"Basta. Alam mo na yun…"

---

Ano ang mas masakit: yung maghiwalay kayo na in love na in love pa kayo or yung marerealize niyong unti-unti na palang nawala? Wala namang nagsabi sa 'kin na may mas masakit pa pala dun sa dalawang yun. Pinaka-masakit yung kapit ka ng kapit, mag-isa ka nalang palang lumalaban. Tang ina. Ang sakit magising one day na marerealize mong mag-isa ka nalang palang nagmamahal. Paalam na, mahal ko. Pasensiya na't hanggang dito nalang ako.

♫: Aiza Seguerra | Ako Lang Ang Nagmahal (2013)

32 comments

  1. I do not understand bakit kailangan maghiwalay if in love sila pareho.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gillboard: Minsan ganun lang talaga, I guess. haha Parang away kayo ng away?

      Delete
  2. Me: Miss ko na yung mga naughty pics na sinesend sakin ni baby boy every night. Wala siyang na send tonight eh.

    CB: Ako miss ko na yung gumising sa umaga tapos mahal ko pa yung katabi ko!!!

    Me: Putang ina moooooooooooooooo! The feels!

    Dapat ang sinama mo yung usapan tungkol sa songs! Ang labo ng putanginang Mission Impossible ringtone! hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yj: Siyempre, nagbubukodtangi ka talaga becks! lolz

      Delete
  3. Akala ko namali ako ng blog na binabasa, tiningnan ko ulit 'yung Header - hindi nga ako nagkamali. :)

    Malabo 'yung mahal niyo ang isa't isa pero maghihiwalay, ba't ganun? Anong logical explanation nun? Dahil nga malabo ang pag-ibig, hindi madaling ipaliwanag ang ganon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Limarx: Minsan lang to! haha At gusto ko yang explanation mo ha. Panalz!

      Delete
  4. Gusto ko yung mga ganitong conversations. Light na heavy na ewan. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sepsep: Then you've got to hang out with the coffee babies! Si Yj palang, epitome na yan ng light na heavy. lolz

      Delete
  5. Yes yes yes tagalog! Pero…parang mas di ko naintindihan. May love pero kelangang maghiwalay? Bakit?

    ReplyDelete
    Replies
    1. AnonymousBeki: Ganun talaga! Sabi nga ni Limarx, ganun talaga ang love!

      Delete
  6. Replies
    1. Kitsune: Uy, bagong name! Haha at yes, yan ang hugot!

      Delete
  7. Patutugtugin ko sana yung song habang binabasa ko, kaso the feels becks, heavyness! So, stopped the music na lang.. Hahahaha... Bat nga ba maghihiwalay pero mahal pa ang isa't-isa? Bakit nga ba? Eh mahal pa nga? Anong point? Pano ka magmamahal ng iba kung mahal mo pa ba sya pero hiwalay na? Arrghhh... Pero wagi!! Mabuhay! HAHAHA

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yccos: Ang saklap ng song na 'to. I-Spotify mo yung album! Songs To Slash Your Wrist By. Sobrang lakas maka-emote.

      Siguro ganun talaga. Malabo ang lahat. Ako man nacoconfuse. Baka pointless conflict siya.

      Delete
  8. Replies
    1. LoF: I haven't personally tried it but I'm willing to bet it's really painful. :p

      Delete
    2. i thought maybe it was a reference to kidney stones

      Delete
    3. LoF: No! haha it really is about childbirth. It's this line I used at work once and it just kind of got stuck in my head. haha

      Delete
  9. mas masakit nga yung kapit ka ng kapit sabay sya pala unit unti ka binibitawan haha! hotengene! bumabalik yung ala-ala sa makipot kong utak :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eagleman: Ooh a new face! Welcome to my blog. :)

      Sabi nga ni Ate Sara Bareilles, "Wait for me, I'm almost ready." When he meant let go. Aguuuy! haha Sana okay ka na. Lalo't malapit na ang pasko. Malamig!

      Delete
  10. mahirap ipaliwanag pero naranasan ko na ito -- ang makipaghiwalay sa taong mahal mo. bata pa ako noon at sa palagay ko, natakot akong hindi mapunuan ang mga pangangailangan ng isang seryosong relasyon.

    enjoy akong basahin ka sa filipino. ang galing! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Aris: Sobrang uncomfortable ako! haha This really was just an exercise in discourse. I tried to borrow a thing or two from you, yung di masyadong strict sa spelling at punctuation para mas casual tignan. My gas! Ang hirap!

      Delete
  11. Namatay ako sa parte ng CS sa likod. Haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. OP: At least di ka namatay dahil... ni-CS ka sa likod! haha :p

      Delete
  12. parehas akong mabubusog sa siopao bolabola at asadong asado eh! wweezz ito teh! hahaha kung sakaling masasaktan ako dahil sa pag-ibig lahat ng siopao makakain ko talaga! hahaha fakshits this love! chos!

    makalaglag matres yong kanta! hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lalah: Hello atey! Welcome to my blog. :p

      Ang wagi nung song daba? I-spotify na yan!

      Delete
  13. masakit ang nagfall out of love nang unti-unti.
    parang hinahalukay mo sa taong ito kung bakit mo siya minahal, suddenly hindi mo na siya kilala, napipilitan ka na lang na magkatabi kayo sa kama, wala ng meaning ang mga simpleng araw na magkasama na kayo...

    okay daming hugot. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. kalansaycollector: Mukhang malalim ang hugot ha! I-blog na yan! ;p

      Delete
  14. Masakit yung unti-unting nawawala ang pagmamahal Nyl. Trust me. Mas masakit. #hugot

    ReplyDelete

Post a Comment