alaala ng daga



Noong high school ako, nagmakaawa ako sa nanay ko na ipag-dorm ako. Pano naman kasi, taga Sucat kami tapos sa Diliman yung school ko. Hindi ko na mabilang ang oras na iginugol ko sa mga bus sa EDSA. Noong third year na ako, napapayag ko din siya sa wakas.

Ganun pala ang buhay pag wala kang magulang, no? Noong una, ang saya saya ko! Malaya na akong makinig ng mga depressing songs buong araw. Wala nang kakatok at magsasabing wala bang mas masaya diyan? o bakit paulit-ulit yang kanta? Malaya narin ako kumain ng kahit anong gusto ko. Wala nang magbabawal sakin manood ng TV kahit disioras na ng gabi. Wala nang magpipilit sakin kumain ng ampalaya o paksiw na isda. Hate na hate ko kasi talaga ang paksiw na isda.

Madami akong natutunan sa pagdo-dorm. Nalaman ko na masama pala pag puro Gatorade at junk food ang laman ng tiyan mo. Nalaman ko na hindi rin pala dapat mag-impok ng pagkain sa kwarto dahil naaamoy ito ng mga ipis, daga at langgam. Nalaman ko rin na napakarami palang peste sa Katipunan. Nagising ako isang gabi dahil sa isang malakas na kaluskos. Pagbukas ko ng ilaw, may malaking daga na kinakain yung Nova ko. Nagtalukbong nalang ako ng kumot at nagdasal na di niya ako ngatngatin habang tulog ako.

Isang araw, napansin kong amoy patay na daga yung kwarto ko. Noong una, akala ko sa kabila pero habang papalapit ako ng papalapit sa kwarto ko, hindi ko na maipagkaila na nasa akin nga siya. Hinanap ko ng matagal yung pinanggagalingan nung amoy. Pagtingin ko sa aparador, andun siya sa tabi ng mga sapatos ko. Kinilabutan talaga ako. Nakapikit ang mga mata nung daga pero medyo nakabukas yung bibig niya. Basa yung balahibo niya, parang naka-mumurahing gel. Nakakasulasok yung amoy, lalo nung binuksan ko ng todo yung aparador.

Napaupo ako sa kama. Di ko alam ang gagawin. Masyadong malayo tatay ko para pakiusapan kong iitsa yung bangkay. Sumilip ako sa labas, baka sakaling may ka-dorm ako na magmamagandang loob tumulong sakin kaso lahat sila busy. Andun yung isa kaso masungit yun at alam ko di niya ako tutulungan. Doon ko talaga narealize kung ano ibig sabihin ng independence. Parang gusto ko na umuwi nun. Kung ganito pala ang feeling ng pagiging independent eh ayoko na. Kadiri kasi talaga yung daga. Kinikilabutan parin ako ngayon kahit ilang taon na ang lumipas.

Sinubukan ko siyang galawin gamit ng t-square ko. Di ko rin naman kasi ginagamit. Kaso mabigat siya talaga. Medyo kumukurba na yung kawawang kahoy. Nausug ko lang siya ng konti. Hindi talaga matinag ang kadiring peste. Naisip kong medyo imposible din na kayanin ng t-square kong buhatin yung daga papunta sa basurahan. Baka tumalsik pa yun pag nagkamali ako ng tiyempo.

Pagkatapos ng ilang oras ng pagtitiis sa amoy ng patay na daga, naisip kong walang ibang tutulong sakin kundi sarili ko. Kumuha ako ng maraming plastic bag at binalot ito sa mga kamay ko. Nagtakip ako ng ilong gamit ng lumang t-shirt na spinrayan ng pabango. Sabay lapit sa daga, pikit mata at dukot. Success!!!

Ihinagis ko yung bangkay sa garbage bag na maraming diyaryo at dali-daling bumaba ng bahay papunta sa kalsada. Initsa ko yung buong plastic, kasama narin yung improvised gloves ko sa tambakan ng basura sa tapat ng dorm. Pag-akyat ko, pinaliguan ko ng Lysol yung kwarto ko at nangakong hinding hindi ko na hahayaang maulit pa ang eksenang iyon. Papanatiliin kong malinis ang aking kwarto. Sisiguraduhin kong hindi ako mag-iiwan ng mga pinagkainan. Gagawin ko ang lahat, wag lang ako magpulot ng daga muli.

Weird lang na ito yung naalala ko nung nakita ko yung mga pictures mo sa Facebook. Kahit parang dumaan ako sa butas ng karayom para iitsa yung daga, di hamak na mas madali parin yun kaysa sa kalimutan ka. Halos isang taon narin ang lumipas. Inaamag na ang bangkay mo sa aparador ko. Inuuod na ang mga panahong pinagsamahan natin. Malamang di mo na ako iniisip. Di mo nga siguro alam na iniisip parin kita ngayon. Sana talaga ganun lang kadali yun.

Photo Credits: kwarto, dead rat drawing

Sugarfree
Kwarto
Dramachine

57 comments

  1. may emo angle pala ang post na ito. hindi ko sya inexpect. lol.

    sometimes it is fun to reminisce old times. ung good old times ha, not the "bad iiyak iyak sa gilid after maalala" kind. :)

    ReplyDelete
  2. Ambilis mo naman, Nimmy! haha I actually tried to write it in English but it didn't seem to have the right effect. The last paragraph seemed lacking. Kahit mali mali tenses ko (haha tamad na ako mag-edit. di ko rin kasi alam kung tama), I had fun writing it naman. :/

    At wala naman akong MMK moments, thank God. haha more of nostalgic lang. Haay.. I think I need to go to bed.

    ReplyDelete
  3. Agree ako kay Nimmy. I didn't see it coming din. Hahaha.

    ReplyDelete
  4. aba aba nagtatagalog ka pala..hahaha. bkit ang emo nito? hahaha..ang tanong gusto m b talga kalimutan? haha

    ReplyDelete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  6. @Pipo: Hala. Bad ba? Hmmm... hilaw pa ata pinitas ko na.

    Salamat sa pagdaan, Ginoong Pipo!

    @Marvin: Hello! Nagtatagalog kaya ako when we met. Bi-lingual nga lahat ng sentences ko diba. haha

    Don't worry. Dala lang yan ng ulan. I'm fine. :"]

    ReplyDelete
  7. nakakasulasok

    what the effin' hell?!

    *reverse nosebleed*

    lolz

    ReplyDelete
  8. Haha. Oh Ternie, I have a feeling I've been watching too many old Filipino movies on cable. My mind's starting to warp. I have a sudden urge to hurl a glass of water at some poor unsuspecting woman's face.

    ReplyDelete
  9. na surprised ako sa post mo! hehe.
    di ko pa nasubukan mag dorm o mag apartment o mag humiwalay sa pamilya bukod sa mga vacay getaway.

    ReplyDelete
  10. Bakit ka nagulat, Ahmer? Ganun ba kasama tagalog ko? *sniff* I really tried. huhu

    It was fun for a little while pero after a few weeks, ako narin nagkusang umuwi. haha I guess you can only take so much freedom.

    ReplyDelete
  11. aba aba tagalog! pwede...

    Parang kilala ko kung sino ang taga diliman na yan :-D

    ReplyDelete
  12. Sino, Jepoy? haha hmmm.. ako? The year kasi after ko mag-dorm, lumipat na kami ng Diliman.

    Or may iba ka bang iniisip. Ikaw ha! Ikaw na!

    ReplyDelete
  13. Hindi ako nagulat. Natuwa ako. Hehehe at Congrats nga pala sa pagpulot ng patay na daga, may mga uuod ba yan? haha

    ReplyDelete
  14. Madalas naman ako dumaan. Di lang ako masipag mag comment kasi andami mong fans. Nakakalunod. Haha :p

    ReplyDelete
  15. @Ahmer: Oh okay! Haha and there I was spiraling into unmeasurable depths of self-pity. lol

    Wala pa siyang uod nung time na yun. Fresh na fresh pa eh. I remember he sorta felt warm and smushy underneath the layers of plastic.

    @Pipo: Di naman! Alam mo naman you're always welcome dito. Salamat sa pag-comment ngayon. :D

    ReplyDelete
  16. lol nagulat din ako sa twist. may gusto tuloy akong i-share na isang emo twist din pero ibablog ko na lang in the future. =P

    pisay diliman ba tong school na to?

    ReplyDelete
  17. Yay! Antayin ko yan, Jason! Emo twists are the bomb. haha

    And no, I'm too dumb to be in a science school. haha but thanks for thinking na kaya ko yun. :/ I went to an all boy's catholic school sa teacher's village.

    ReplyDelete
  18. wow tagalog! pero di ko kaya pulutin ang daga kahit may plastic pa .

    btw, kung di mo kaya alisin sya sa aparador, itapon ang buong aparador!

    ReplyDelete
  19. i was hoping for some steamy flashback and instead got dead rat.

    ReplyDelete
  20. So ang napulot kong aral ay: Nakakadiring maging independent.

    At may emo sa dulo! I'm lovin the structure! And the subtle honesty... this is my favorite post so blog on!

    ReplyDelete
  21. akala ko senti yung post, emo pala...

    okay lang yan nyl, makakalimot ka rin.

    ReplyDelete
  22. hindi ko inaasahan ang association: patay na daga at ex. hindi na ako magsasalita tungkol sa ganda ng post na ito dahil naiinis ka na sa mga papuri ko. char lang. hehe! :)

    ReplyDelete
  23. natatawa ako habang binabasa ito dahil naiimagien ko, and how cool naman na makakita ng isang tagalog post sa blog mo na ito nyl. ang saya.

    pero nalugnkot ako kasi may emo pala sa dulo. :|

    ReplyDelete
  24. wow, sabay segue. =p
    at for a change, tagalog naman ang post, hehe.

    ReplyDelete
  25. Marami ang komento tungkol dito. Saka ko na sasabihin sayo at naeexcite ako. LOL.

    ReplyDelete
  26. @MkSurf8: Mamamatay ako pag wala na yung aparador! haha

    Srsly, you should've been there. Ang warm and mushy niya. It would've been cute kung hindi lang siya peste. lol

    @Rudeboy: They're totally gross. I think it's the cat person in me. :/

    @LOF: Haha perhpas we shall save the steamy flashback for a future post and hopefully, in a language I'm more comfortable with.

    @Orallyours: Salamat sa pag-daan! Sinubukan ko lang naman. hehe

    @Glentot: Ashushal, tumpak ka nanaman. At panalo ang generic comment combo mo! Mishu, tol. Tara na, dude pare tsong. Miss na tayo ng Pier 1.

    @Gillboard: Sooner yan than later. I think I sort of over-sensationalized it para mas pulido yung plot. haha

    @Aris: Di naman ako naiinis! More of nahihiya. Kasi alam mo naman ang husay husay mo magsulat. Teritoryo mo pa tong tagalog. lol

    @Jepoy D.: Sorry naman! Minsan ka nalang makadalaw dito, ganito pa bubungad sayo. hehe Don't worry, Mr. Dacuycoy. I'm super happy right now. :D

    @Oliver: Nakakapagod na kasi paulit-ulit. Minsan refreshing naman magpalit kahit di masyadong bagay.

    And I love how you actually spelled segue right. You'd be surprised how many people can't. ;p

    @Victor: Dali! Haha this weekend ha. Weird na ng shift ko. I can't just invite your for a breakfast beer whenever I want to. :c

    ReplyDelete
  27. oh wow, and i thought we only keep skeletons in the closet ;)

    ReplyDelete
  28. Truedat! May daga din pala. lol

    Thanks for dropping by, Darwin! :D

    ReplyDelete
  29. hahaha. weird. pero mas mahirap pa din ang pagtapon ng patay na daga para sa akin. no pun intended. hahaha

    ReplyDelete
  30. *Gasps* You wrote something in Filipino! :)

    I think, all you need is a dozen more (bigger) plastic bags and perhaps, a gallon of Lysol to take care of whatever it is that's rotting in your closet. :)

    ReplyDelete
  31. Nakakita ka na ba ng dagang inu-uod? Haha.

    ReplyDelete
  32. yucky talaga ang mga ratskie...

    but i like the twist at the end... if only memories can be easily dumped by just covering your nose and putting everything in a plastic....

    ReplyDelete
  33. @Ewik: I remember you said nga it's easy for you. Inggit tuloy ako. lol

    @Jace: Yeah, malaki-laki yung babalutin ko! haha

    Thanks for following at welcome pala to my blog! I visited your blog nga pala and your first post was very promising. I loved the Excel reference. I'll comment nalang pag nasa wisyo na utak ko.

    @Ronnie: Di ko kasi alam tagalog ng maggots eh. haha Ano nga ba?

    @Lee: True true! Andali nga siguro nun. But then again, I doubt if love would still mean anything without the pain.

    ReplyDelete
  34. biglang pihit naman sa dulo... hehe

    gaya ng daga na nasa after life na -- let's move on.

    haha

    ReplyDelete
  35. Hi, Abou! Welcome to my blog. Yeah, sana ganun lang kadali yun. haha I think for the most part naman, I've moved on. Konting paalala lang paminsan minsan. :d

    ReplyDelete
  36. i exprienced having a dead rat in my room once. hmmm... 14 years old yata ako nun. swerte lang ako na brave ang tita ko na dispatchahin ang evil rodent para sa akin. at since then, naging oc-oc na ako sa kwarto. kelangan malinis para hindi pasukin ng animal! unless gwapong, hot na lalake yung animal na yon! AHAHAHAHA!

    grabe naman the last part. pero tama yan. kahit ako, mas masakit pa rin ang huling heartache ko compared nung nag 70/40 ang blood pressure ko and bonggang sakit ng lungs ko when i had pneumonia.

    ReplyDelete
  37. Talagang ikinumpara ang kaemohan sa pulmonya?! Aylahvet, Iya! lol

    ReplyDelete
  38. pag nagkita tayo, may bouqet ka ng pechay baguio saken. lol

    wala nang dapat pang sabihin tungkol dito. binabati kita sa iyong husay at pagkatao.

    ReplyDelete
  39. Naks naman. Talagang pechay baguio? lol

    ReplyDelete
  40. unlike the last post, this is related to the long "e"

    as in eeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeewwwwwwwwwwwwwww daga... (weh)

    baka kailangan mo rin ng improvised gloves para mafish out si Facebook lurkee/stalkee/skeleton in your closet...

    ReplyDelete
  41. Haha nai-tie in talaga ang last two posts ha! In fairness...

    True dat, Donnie. Hanap lang ako ng malaki-laking plastic.

    ReplyDelete
  42. hahaha--si mother masyadong concern...baka raw kasi pagpasok nya isang araw bumubula bula na bibig mo with the sad--recurring music in the background. hehe

    ayun---yung daga--bat namatay? baka sya yung na depress sa songs mo or pwedeng ring masyado talagang malakas yung epek ng baho ng shoes.nyahaha

    ReplyDelete
  43. Hala! Emo? Nagpatiwakal? Or ni-rabies? haha

    Uy, hindi mabaho shoes ko no! Paamoy ko pa sayo. lol

    ReplyDelete
  44. malungkot na nga ako, lalo pa akong nalungkot.

    ReplyDelete
  45. may usapan ba kayo ni LOF na magsulat ng tagalog na entry? i don't know anymore if you still like me to comment at all about it. but i hope you brush it off completely.

    ReplyDelete
  46. Hey Jubs! Wala naman kaming usapan. I guess nagkataon lang. Si Victor din may ganitong pakulo.

    And of course, your two cents are always welcome here. :D

    ReplyDelete
  47. Hindi naman masyadong challenging para sa akin nung college ako: sa Far-view bahay namin, tapos sa Diliman ako pumapasok. So mejo okay lang. Nahirapan ako nung nagtrabaho na ko sa Makati. Pamatay impakto ang byaheng Far-view hanggang Makati. Haha

    ReplyDelete
  48. Diba? It's hard to straddle the North and South. But I think it taught me a lot. I wouldn't have been such an introvert if I didn't have all that alone time commuting. lol

    At oo, Andy. Introvert ako. Walang kokontra.

    ReplyDelete
  49. You're an introvert? Since when? I don't remember getting a memo on that, hahah

    What's your course in Diliman? CAL ka?

    ReplyDelete
  50. Ooh! Andy changed his picture.

    Hindi ako nag-UP. Malapit lang sa UP yung high school ko. I'm a Tomasino. :/

    At antayin mo yung memo. Mag Send/Receive ka ng paulit-ulit sa Outlook. You'll see it. bwahagha

    ReplyDelete
  51. utang na loob... meganon pala sa ending!

    anyways naisip ko lang, sa daga nandiri ka, eh sa jogging pants na may.... na ang tagal nakatambak sa aparador mo, hindi ka nandiri hahahahahahaha mananahimik na ako

    ReplyDelete
  52. Hoy, YJ! Anong pinagsasasabi mo! Hahaha

    ReplyDelete

Post a Comment