mamatay ka na epes

You gain strength, courage, and confidence by every experience in which you really stop to look fear in the face. You must do the thing which you think you cannot do.
- Eleanor Roosevelt

Nag-lakad akong gume-gewang gewang pauwi. Siguro kung nakita mo ko nun, iisipin mong lasing ako o di kaya eh inaantok. Pero gising na gising ako nun. Sa totoo lang, daig ko pa nag-tatlong Venti na Americano sa Starbucks. Bakit kamo ako gising na gising? At bakit ako gume-gewang gewang? Namimilipit ang lolo mo sa sakit. Sa edad kong ito, akalain mong nakuha ko pang madapa? Pakiramdam ko, bata ako ulit. Gusto ko sanang tumakbo pauwi pero nahiya naman ako. Gusto ko rin sanang umiyak sa nanay ko pero tulog na siya. At oo nga pala, bente-tres na ako.

Takot ako sa ipis. Ay wait, mali yan. Takot na takot as in p*tang ina takot ako sa ipis. Sabihin mo nang duwag ako o di kaya eh lalampa-lampa pero basta ipis na ang pinag-uusapan, kinikilabutan talaga ako. Dito magsisimula ang aking kwento. May oras ka ba? Kwento ko ha.

Pauwi na ako sana. Bumili lang ako ng maiinom sa 7-11. Habang naglalakad pauwi, napansin kong may lumilipad-lipad sa kalsada. Akala ko nung una eh paru-paro lang pero nang talasan ko ang mata ko, flying ipis pala. Eeeggh… Kinikilabutan parin ako ngayon pag naaalala ko.

Tumingin ako sa paligid ko. Walang ibang tao. Takbuhin ko na kaya? Pwede ko rin naman siyang iwasan kaso ang layo ng iikutan ko. Yung bang tipong iikot ako mula MOA hanggang Trinoma para lang makaiwas sa bwakananginang ipis na yan. Sabi ko sa sarili ko, Sige. Kaya natin to. Ipis lang yan. Ang laki-laki mo kumpara diyan. So ‘yun. Nagpaka-brave ako. Nung una, mabagal lang lakad ko. Naisip ko kasi na kung tumakbo ako, baka ma-excite si Kuya Ipis at maki-fun run sa akin. Kaso nung nakita ko na siya ng malapitan, napansin kong kumikinang-kinang yung pakpak niya sa ilaw ng buwan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig bago nagbabad sa aircon. Binilisan ko na ang lakad ko.

Kaso, may surprise guest pa pala. May kapatid ang Kuya Ipis mo. Sa peripheral vision ko, nakita ko lumilipad si ipis #2 a.k.a. Ate Ipis papunta sakin. Tumakbo na ako! Medyo mababa nga takbo ko kasi feeling ko may malaking bulls eye lang yung ulo ko at dun trip lumanding ni ate. Si kuya naman, andun lang sa baba. Steady lang, parang inaantay na ako pa lumapit sa kanya. Di na ako nag-dalawang isip. Aaaaahhh!!! Takbo!!!

5’8” ako. Nasa 140 lbs narin siguro ang timbang ko. In short, di ako magaan. Sa baba at bilis ng takbo ko, di kinaya ng katawan ko. Umiral ang gravity. Ayun, sumemplang ako. Lumipad yung iced tea ko sa kahabaan ng Buendia. Pakiramdam ko, slow-mo lang lahat ng nangyayari. Si ate di-dive sakin. Si kuya nakangiti, nag-aantay. Ako naman parang dine-demolish na building. Kahit yung audio naka slow-mo. Noooooooooo!!! Pang-pelikula!

Sumalampak ako sa semento. Huli na ang lahat nang ma-realize kong ang dami kong sugat. Ang laki-laki ng galos ko sa kaliwang braso! Dahan-dahan akong bumangon, sabay sigaw ng fuuuuuck!!! (para maangas at sosyal parin!)

‘Yun na nga yung point na gusto kong magtata-takbo pauwi kay mama. Layo pa ng bahay nun pero tiniis ko. Pinagtitinginan ako ng mga tao kasi una, ang dumi ko. Pangalawa, duguan ako. Pangatlo, nangingilid yung luha ko. Siguro kung nakita mo ko nun, naawa ka sakin sabay bigay ng isang magabagdamdaming hug.

Pag-uwi ko, diretso ako sa banyo at nag-bonding kami nina Kuya Safeguard at Ate Betadine. Ang hapdi parin niya. Nagtutubig-tubig nga yung pinakamalaking galos ko eh. Aguuuuuy lagiiiii!!!

Sabi mo siguro, ano naman ngayon kung nadapa ka? Ikagaganda ko ba yan? Ikaliligaya ba yan ng madlang people? Wait lang. May point ‘to.

Na-realize ko ang stupid lang nung nangyari. Oo, nakaiwas nga ako sa ipis pero mukha naman akong inupakan. Buti kamo naiwas ko mukha ko. At least yung mga sugat ko ngayon, matatago ko naman sa damit ko. Eh kung may malaking galos ako sa mukha? Ang hirap nun ipaliwanag na di ako nagmu-mukhang engeng.

Minsan kasi, sa kagustuhan nating umiwas sa maliliit na problema, lumalaki sila lalo. Sana nung bata ako, sinanay ko na sarili ko sa ipis. Ngayon tuloy, ang tanda tanda ko na, takot parin ako sa kanila. Kung di mo malusutan yung problema mo (tulad ng di ko ma-get over ang fear ko sa ipis) edi humanap ka ng ibang paraan. Kahit mas mahirap. Kahit mas nakakapagod. Kung nag-long cut nalang sana ako edi sana di ako sugatan ngayon. Ang problema naman, di nawawala eh. Kung di mo kaya maging matapang, edi subukan mo nalang maging listo.

Ayun lang. Yun lang naman ang gusto ko sabihin. O sige na, tama na ‘to. Magbo-bonding pa kami ni Ate Betadine. Tandaan, mga bata! Pag may problema, wag umiwas! Wag din mag-shortcut! Sige ka, baka madapa ka.


Fergie
Clumsy
The Dutchess


42 comments

  1. tandaan, malalandi ang ipis. haha!

    okay lang yan, charge to experience. :D

    ReplyDelete
  2. ganun na nga yun. haha eto na eh. puro sugat na eh.

    salamat nga pala sa libreng science lesson. haha peste talaga yang mga ipis na yan.

    ReplyDelete
  3. fuck... fuck... fuck... fuck... lol

    ReplyDelete
  4. YAAN MO NA PO..love pa rin kita kahit nagmukha kang engot dahil sa mga bwakananginang ipis na yan.

    ReplyDelete
  5. @ Nyl : Well, lahat naman tayo may kinatatakutan. Ako, never akong natakot sa ipis. Pinaglalaruan ko pa sila nung aking misspent childhood. Huhulihin mo sa antenna tapos ibabalibag mo sa pader. Paramihan pa kami ng pinsan ko ahhehe.

    May housemate din ako dati na gaya mo, matindi ang takot sa ipis. Nagtititili siya isang madaling-araw, akala ko ginagahasa na. Pag pasok ko sa kuwarto niya - with matching baseball bat - ayun, frozen sa isang sulok ng kama nya habang may flying ipis na umaali-aligid.

    Kanya-kanyang phobia lang naman tayo. Mine is...oh, never mind hehe.

    ReplyDelete
  6. nyl, bravo! in awe ako habang binabasa kita sa tagalog. my god, ang galing mo talagang magsulat.

    sad ako sa pagkakadapa mo. na-visualize kita na sugatan at iika-ika habang naglalakad. kung nasalubong kita, di lang kita bibigyan ng makabagbag-damdaming hug, kundi pati makadurog-pusong karga.

    at siyempre, gandang-ganda uli ako sa reflection mo sa huling bahagi ng iyong isinulat.

    i hope you're feeling ok now.

    teka nga pala, bakit parang hugis-puso ang iyong sugat? in love ka kasi yata eh. hehehe! :)

    ReplyDelete
  7. ha! alam ko na kung anong christmas gift ko sayo bwahahahahahahahaha

    again, some lessons are learned the hard way friend..... hug nalang kita...

    ReplyDelete
  8. apir, takot din ako sa ipis lol

    ReplyDelete
  9. nyl!!! *hugs*
    fuck ka epes! mamatay ka na epes! paluin ng tsinelas at itapon sa malayong lugar na parang kimmydora lang...
    well try stepping on them barefoot. i did it once pero hindi ko sinadya. pano naman kasi e kakagising ko lang at madilim so papunta ako ng banyo barefoot lang, tapos biglang may nag-mala nestle crunch sa paa ko nun... SARAP!
    hehe well sa ganyang mga pagkakataon kung may jacket ka e ihanda mo lang, just in-case makipaglaro si ate ipis e may ipanghampas-hampas at pangbugaw ka sa kanya....
    well as for me nasanay na kasi ako na pag may ipis e pinapalo agad ng mom ko... so lumabas ang aking pagiging mamamalo ng ipis.
    AND i already experienced na may magical flying ipis na dumapo sa balikat ko and humalik lang naman sa leeg ko, so kaya siguro nasanay nako wahahaha ^_^

    ReplyDelete
  10. hay naku, mga ipis ngayon, sila pa kaya nanunugod. i hate them, lalo na yung sa bahay namin, pag nagsurvive sila pag pinalo mo ng tsinelas, talagang susugurin ka nila. grrr!!!

    ReplyDelete
  11. whoah, got to research what is ipis huh, by the way i knew it now. it is croachy, eiw, that is bad. i hate them, but since i cannot kill them because of the advocacy that i have i just let them go out, when they were on my room, for them not to go back i clean my room very well and put something to scare them, so it was end of bad croachy..

    ReplyDelete
  12. @LOF ~ para sosyal at maangas! haha i'm surprised you understood the post. i used a lopt of colloquialisms.

    @period ~ salamat. haha sana di rin ako mahalin ng mga ipis. parang nagg-gravitate sila papunta sa kin eh.

    @rudeboy ~ that's gross! haha sana andun ka para hulihin yung mga ipis. kaso huli na ang lahat eh. hahaha

    may family friend kami nun who slept over. eh nagkataon rainy season so andaming ipis pag-gising nya. (may jetlag kasi lolo mo nun) nagtititili. ang laki laking mama, nakatungtong sa dresser at nagtititili. haha ang kulit. di pa naman ako umabot sa ganung levels.

    ano na yung fear mo? c'mon.. share it share it. hehe

    @aris ~ salamat po. eto nanaman tayo sa bolahan. tama na. haha actually tinry ko lang talaga mag-tagalog. it's been years since my last filipino post and even that turned out horrible. i started writing this kasi in english kaso parang di sya funny eh gusto ko sana magi siyang funny.

    yeah, i'm okay na. at napansin ko nga na hugis puso sya. in love na ba 'to? haha sabi ko nga sa kanya, bakit nya kasi ako iniisip. ayun tuloy, nadapa ako. sabi nya di daw nya kasalanang duwag ako sa ipis. :'c

    @yj ~ ano? baygon? haha yeah, the best lessons are the ones we learn the hard way. tama ka diyan friend. CHECK!

    @carlo ~ that's so gross! haha pero naiinggit ako. sana di ako ganito ka takot. whudabout mukha lang akong first timer sa quiapo kanina while i was walking home. yung tipong hawak yung bag ng mahigpit at sobrang naglulook to the left and look to the right for any ipisesss. nung may lumipad nga na dahon, tumalon ako eh. haha

    @engel ~ ang tapang naman ng mga 'yan. i guess kung ipis ka, you have nothing to lose.

    @tim ~ you have an anti-ipis killing advocacy? san naman nagsimula yan?

    my room naman is roach free. gawa na nga nung takot ko, i make sure na i don't eat there and stuff. kaso ibang usapan na yung buendia. mahirap linisin kung mag-isa lang ako. haha

    ReplyDelete
  13. may life lesson palang makukuha sa ipis. lol!

    ako di ako takot sa ipis. wag lang silang lilipad. hahaha.

    cue in kanye, "what da, da, da, da, don't kill me, can only make me stronger... "

    :D

    ReplyDelete
  14. @max ~ wow! i like that song! anything that mixes nietzsche with pop music is a-okay in my book. haha

    kanya kanyang preferences yan eh. when my trainees asked my kanina what happened at bakit ako may malaking sugat, i told them the story. ayun, dun na lumabas ang kanya kanyang ipis stories. many people, just like you, said na okay lang ang ipis wag lang lilipad. ako naman ayoko sila pareho. when i said mas okay pa sakin ang daga, dun naman nila ayaw maniwala. cute kaya ang daga. di ba nila napanood ang ratatouille?

    ReplyDelete
  15. Wow nag tagalog din LOL, nice naman. Ako na immune sa ipis kasi ung boarding house ko nung college pag bukas mo ng pinto ng CR nag paparty sila dun ahaha wala lang nasabi ko lang.

    Ingats!

    ReplyDelete
  16. @jepoy ~ tinry ko lang naman. hehe actually, naalala nga kita while i was writing this. forte mo kasi yung sobrang nakakatawa without trying too hard. hehe idol!

    kinikilabutan naman ako sa mga ipis na nagpaparty. siguro kung housemate mo ako, di na ako naligo nun. haha

    ReplyDelete
  17. yehba! si idol, marunong palang magtagalog.. :D akala ko, tuwing babasahin ko ang mga post mo, may kaakibat akong dictionary. ang saya-saya! pero i pitty you, may point kang dapat in-exercise mo na yung sarili mo noon para di matakot sa ipis. isama mo na din yung sana nag-praktis ka na din noon para marunong ka ng mag-bike ngayon. masaya ako para sa'yo, hindi dahil sa mga sugat mo. masaya ako para sa'yo dahil parehas tayong takot sa ipis..at hindi mo kayang tsinelasin ito.

    ReplyDelete
  18. lol.hehehe ang cute!

    ReplyDelete
  19. lol.hehehe ang cute!

    ReplyDelete
  20. lol.hehehe ang cute!

    ReplyDelete
  21. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  22. oo sabi mo kasi tagalog naman. alam mo namang masunurin akong bata. haha

    "masaya ako para sa'yo, hindi dahil sa mga sugat mo. masaya ako para sa'yo dahil parehas tayong takot sa ipis..at hindi mo kayang tsinelasin ito."

    bakit, kaw ba kaya mo? hmmph! haha sige nga. eto o, ipis *hagis*

    @perky ~ salamat sa pagdaan at sa pagbasa! musta PST?

    ReplyDelete
  23. humahaba ang thread ng koments.. dahil sa dalawang epes. haha!

    @ citibuoy:
    Hindi naman msayado. Para lang naman akong nakakit ng lumilipad na epes. Haha!

    Yih. Say it once again for the second time around..
    KHOWL ZEHNER. Haha!

    Ako din. Walang konsidirasyon ang aming munisipyo. Fnck :D

    ReplyDelete
  24. haha punong puno lang tayo ng galang sa ating pangulo. iequate ba daw ang hypnotic mole niya sa flying epes? haha

    khowl zehner. di ako makaget-over! haha

    ReplyDelete
  25. Oo nga, charge it to experience nalang. Bakit kasi nagagagala yung ipis sa labas ng mga bahay e. Haha

    get well soon

    ReplyDelete
  26. hey! welcome to my blog. :D

    yeah, ganun na nga yun. mabuti na nasa labas ng bahay kesa sa loob.

    ReplyDelete
  27. yellow lanyard n po ako. tagal ku n po grumaduate sa pst. tnx po. ur part of it.

    ReplyDelete
  28. yellow lanyard n po ako. tagal ku n po grumaduate sa pst. tnx po. ur part of it.

    ReplyDelete
  29. @anteros ~ thanks for dropping by again. :D

    @perky ~ sorry naman. malay ko ba. wala na akong balita sa inyo. haha so kung part ako nun, kelan libre? haha

    ReplyDelete
  30. ako naman pag nakakita ng ipis tsinelas agad hahagilapin ko!

    at ang concern ko lagi e un katas ng katawan nila pag napisa ng tsinelas ko!mega lagay ako ng alcohol lagi sa pinagpisaan ko haha dun ako takot sa mikrobyo nya!

    ReplyDelete
  31. ewww!!! ang baboy nun! *shudder*

    ReplyDelete
  32. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  33. bravo!

    speechless ako .. i mean .. this is the first entry na nareadaloo ko from your blog ... and it struck me.

    this is definitely how life should be. to be able to pick out life lessons and principles from the simplest and mundane of things ...

    the turn around from you being afraid of the "ipis" into the conclusion of: "Minsan kasi, sa kagustuhan nating umiwas sa maliliit na problema, lumalaki sila lalo."

    apart from that .. ang pinakabetchay kong line ay ito "Dahan-dahan akong bumangon, sabay sigaw ng fuuuuuck!!! (para maangas at sosyal parin!)" .... standing ovation ako dito 'neng ....

    ReplyDelete
  34. @bernadette ~ wow i can't believe you visited me. haha hangang hanga kaya ako when i read your posts. i hopped from mcvie's post about you. :D

    thanks for reading. yeah, i try to pick up as many life lessons as possible at kinochronicle ko sa page ko. as for the ipis, sana talaga mamatay na siya. haha

    at tandaan, pag napahiya, sumigaw lang ng fuuuuck!!! para maangas at sosyal!

    @dabo ~ pede makitawa? waahahaha!!!

    ReplyDelete
  35. may kilala akong gnayan din sa ipis...
    ako ang inuutusan pumatay sa ipis e sya 'tong lalaki...
    ahaha!
    karumaldumal ang pumatay ng ipis...
    eeeew.
    haha!
    naaatim ko naman na makita ang ipis..
    pero usapang lipad at lapit...
    nako!
    magtatatakbo din ako!
    wag sana ako madapa...
    hehe.
    parehas tayung may sugat sa braso(?)...
    paso naman yun.
    sa katakawan ko...
    ahaha!
    para akong may tatak na number one,
    tatak ng pressure cooker sa aking katawan...
    ahaha!
    last summer yun.
    ayun!
    ngayun, natatawa na lang ako.

    :P

    ReplyDelete
  36. haha buti nalang wala ako dun. i'm not a screamer but i am a flailer. haha baka bumaliktad buong bahay nyo.

    gumagaling na sana yung sugat kaso kagabi nasagi siya when i tried to lift a friend (wag mo na tanungin kung bakit ko siya binubuhat haha) ayun tumuklap. sakit!

    ReplyDelete
  37. LOL! pareho kami ni rudeboy na pinaglalaruan ang ipis nung bata.

    ang kinatatakutan ko talaga ay...

    sikret! hahaha.

    ReplyDelete
  38. baka kaya ako hinaharm ng mga ipis! kasi inaapi nyo sila!!! :'c kayo! kayo ang may sala!!! hahahaha

    feeling ko alam ko yang kinatataukutan mo... yikee. haha

    ReplyDelete
  39. malamang type ka nga ni ate ipis. Uy, sobrang cheesy. hehe!

    sana magaling na yang sugat mo.

    ReplyDelete
  40. cheesy!!! haha sabihin mo sa kanya, di ko siya type! di ako pumapatol sa mga peste!!! hahahaha

    yeah, medyo gumagaling na siya. the scab is smaller but it itches like anything.

    ReplyDelete

Post a Comment