native tongue
nung bata pa ako, andami kong pangarap. gusto ko sana maging guro, maging doktor, maging engineer. may mga araw, katulad ng araw nato na napapaisip ako kung ano na kaya nangyari dun sa batang yun. baka sa gitna ng paglimangpung tawag ko, nalunod na sya. nalunod sa mga kailangan gawin para sa mga customer.
kung may pagkakataon, nais ko syang kausapin. siguro, maiintindihan naman nya kung bakit hindi ako naging guro, doktor, o engineer. siguro naman maiintindihan niya na mas importante sakin makaluwag. dun ko na binubunot ang kaligayahan ko. malamang nga maiintindihan nya kasi ako siya at siya ako.
balang araw, alam kong aalis din ako dito. balang araw, mararanasan ko muli mainitan ng araw habang nanananghalian. ngunit hanggang dumating ang araw na yun, dapat ko munang kalimutan na minsa'y may batang nangarap.
inaantok na ako. kaya siguro nasesenti. sawang sawa na ako mag-ingles. pwede bang magtagalog nalang tayo lahat?
kahapon, naintindihan ko na rin ang suliranin ng lahat ng mga magulang sa buong mundo. ganun pala yun no. nagtampo ako sa atm ko. wala kasing laman. pero nung dumating ang sweldo ko, ayus na lahat. parang tinarantado ka ng anak mo pero isang sandal lang sa balikat mo, napapawi lahat ng galit at tampo. malamang siguro, handa na ako maging mabuting ama sa aking atm.
log out na. tulog na.

Hey. Come see and listen to my top ten best songs of the year (so far)! ;)
ReplyDeleteps. blogger na po ako. hehe
-->mikhael
two hearty posts and a translation read this afternoon. i hate you, nyl.
ReplyDeleteHate is a strong word, Mr. Tolentino. I know you mean the opposite. heehee Thanks!
ReplyDelete