My Photo
I'm vulnerable. I'm vulnerable (but) I am not a robot.

Monday, February 28, 2011

evol no

Train  
Marry Me  
Save Me, San Francisco  

Ayoko nagsusulat ng mga ganitong kwento. Parang tuwing nagsusulat kasi ako tungkol sa pag-ibig, parati nalang malungkot yung ending. Pero kahit ganito, pinipilit ko paring magsulat ngayon. Hindi kasi ako makatulog. Iniisip ko yung mga sinabi mo. Parang gusto kong suklian, kahit papano.

Sa totoo lang, madami nang nagsulat tungkol sa akin. Minsan, parang ang bait ko sa mga kwento nila. Minsan naman para akong may sademonyo. Pero ni minsan, walang nakakuha kung sino talaga ako, kung ano talaga ako. Mahilig kasi ako mag-kunyari, mahilig sa palabas. Nung binasa ko yung sinulat mo, kinilabutan ako. Para kasing for the first time, may naka-gets sa akin.

Kaso nga, takot ako mag-sulat ng mga love story. Pwede bang iba muna itawag natin sa kaniya? Baka yung salita lang yung malas. Pwede ko kayang isulat yung nararamdaman ko na hindi ko ginagamit yung salitang love?

---

Tuwang-tuwa ako kapag kasama kita. Natatakot ako kapag kailangan na kitang iwanan. Tuwing pumapasok ako sa opisina at hinahatid mo ako sa sakayan, parang gusto ko maging bata ulit. Magmamakaawa ako kay mama na sa bahay lang muna ako kasi ayoko pumasok. Gusto ko kasama lang kita parati. Gusto ko manigarilyo lang tayo ng manigarilyo sa sahig nung sala mong wala pang laman. Yosi ng yosi hanggang sa sumakit ang mga baga natin. ‘Yun lang kasi ang alam nating paraan para mapantayan ang walang tigil na kabog sa ating mga dibdib.

Gustong gusto ko yung mga kamay mo. Ang sarap nilang hawakan. Parang nakakalimutan ko lahat ng problema ko pag-hawak ko na sila. Tuwing natutulog ako sa inyo, ito yung una kong hinahanap pag-gising ko. Pag sa amin naman ako natutulog, alam mo bang nagiiwan ako ng puwang sa kama ko para sayo? Pilit kong pinagsisiksikan sarili ko sa isang sulok ng kama ko para kunyari andun ka.

Sa totoo lang, minsan naiinis ako sayo. Naiinis ako na kailangan kita. Kasi buong buhay ko, hindi ko kinailangan ang sino man. Naaalala mo nung nagkasakit ako tapos pumunta ako sa inyo? Kumuha ka ng bimpo at tubig tapos pinunasan mo yung katawan ko. Naglaban pa nga ako diba? Sabi ko wala talaga akong sakit. Pero makulit ka talaga eh. Di ka tumigil hanggang sa nalibot na ng bimpo mo yung buong katawan ko.

Sa totoo lang, takot na takot ako nun. Mahina kasi ako. Nagtatapang-tapangan lang naman ako pero malambot talaga ako sa loob. Natakot akong makita mo yun. Natakot ako kasi na-realize kong gusto kitang kasama parati. Kailangan na pala kita.

Pag-nakikinig ako ng radyo, pinipikit ko mata ko at ini-imagine ko na kinakantahan kita. Oo na, di ako marunong kumanta pero imagination ko naman ‘to, diba? Wag kang makialam. Naalala mo nung nasa taxi tayo tapos hinawakan ko ng mahigpit yung kamay mo? Bigla kasing tumugtog yung kantang ‘to. Sabi mo, gusto mo yung mga kantang ganiyan yung gitara. Sabi ko, katunog niya yung Dust in the Wind. Ang gusto ko talagang sabihin ay pakinggan mo yung kanta. Hindi man swak yung lyrics at medyo may kapareho man yung tugtog, mukha mo lang naiisip ko tuwing naririnig ko ‘to. Wag ka mag-alala, mag-aaral ako mag-gitara. Gusto ko kasi kantahin yung part na ‘to sayo balang araw.

Mangako ka na kailanma’y hindi ka magiging malungkot sa tabi ko.
Nangangako ako na kakantahan kita kahit iwanan tayo ng tugtog.

Hindi man tayo parating magkasama, sana alam mong wala akong ibang gustong makatabi. Hindi man tayo pwedeng magpakasal, sana alam mong wala akong ibang gustong makasama habangbuhay.

Monday, February 21, 2011

rain

Bonnie Raitt  
I Can’t Make You Love Me  
Luck of the Draw  

I shed no tears in front of you but in the solace of my room, I am left with nothing to do but recount the steps that lead us here. These tears in my eyes and the hollow in my heart are my only witnesses. I hold your memory here.

It starts raining. I walk outside and with cupped hands, I try to catch the rain. I watch as the cold raindrops slip through my hands. I stick out my tongue, my mouth fills with rain. Perhaps this is all love is—a fleeting feeling, an inevitable ending.

I recount times I took for granted. There was a time when my heart could call out to you and you would hear it. Our hearts were bound by invisible string. Now I’m calling out to you, my voice frail but strained. Can you still hear me? There was a time when I’d reach out my hand and it would find you sleeping next to me. I wonder if you miss me as much as I miss you.

I never used to mind being alone. Now it haunts my sleeping and waking life. All day, silences are filled with regrets. Maybe I could’ve tried harder. Maybe you could’ve loved me back.

Someday, you and I will look back at this mess of a situation. Over coffee, cigarettes and pleasantries, we’ll talk about how good we had it back then. And if I’m good and pay my dues, maybe it won’t hurt as much. If I drink my milk and eat my vegetables, maybe you wouldn’t notice how I haven’t moved on. Maybe then, we could try again.

But right now, that seems like an eternity away. I will see many moons before I am ready. I still love you. You are in the rain, in the sunlight, in the darkness when I close my eyes. You are in my head constantly and in my heart eternally.

Oh God, what can be done with the hours? I have all this time and no one to spend it with. All this love and no one to share it with. I have all this life and only one person I want to live it with.

I come back inside, close the door and turn down the lights. Tonight, I set down my torch—the one I carry for you. It is heavy and my hands burn from holding it for too long. In its place, I light a candle. Until the flame dies out, my heart will ever be yours waiting.

Photo Credit: f8 in the rain