Friday, December 17, 2004

fight fire with fire

cooled down when i hung out with gege and the gang in RP. even edited my last post. life is so much better when things just slide off of you. i wrote joel this nice testimonial that i hope he likes.

i wrote this poem and it's about marianne. it's my first poem about her that i completed and it's also my first one in filipino. i hope it's okay.

Not sure what to call it. 1216 or Damuhan at Tala. I thought of 1216 because i thought of some if its parts during the rivermaya concert (214). jologs!

1216: Damuhan At Tala

Doon sa ibabaw ng damuhan at ilalim ng mga tala
Ikaw at ako’y naging iisa

Sa pagyugyog ng tugtugin ng banda
At ang dagundong ng tibok ng aking puso
Nanumbalik ang mga damdamin
Na pilit kong ibinabaon sa limot

Mga alaala noong tayo’y mga bata pa
Inosente at puno ng pangarap
Noong ako’y may ibinulong na lihim sa buwan

Na mamahalin kita
Tumigil man ang banda sa pagtugtog
Bumiyak man ang lupang kinatatayuan ko

Ngunit hindi and banda ang tumigil
Kundi ang ating pagtitinginan
Hindi lupa ang bumiyak
Kundi ang mumunti kong puso

Sa paghilom ng aking mga sugat
Dulot ay panibagong araw

Panibagong pagkakataong
Gumalaw sa iisang tugtugin
At kumanta sa iisang liriko

Sa mumunting saglit na walang bahid ng hiya,
Ako’y nasa piling ng iyong mga munting braso,

Natagpuan ko na ang tunay kong pook
Ang tahanan ng aking kalayaan
Doon, ako’y mamamalagi at mananatili
Tumigil man ang banda
bumiyak man ang lupa
Sumikat man o lumubog
Ang buwang minsa’y naging saksi sa ating sumpa.

No comments:

Post a Comment